Paglilinis ng transmission lines minamadali na ng Batelec

Minamadali na ng Batangas Electric Cooperative (Batelec) ang paglilinis ng mga transmission lines para agad na maibalik ang suplay ng kuryente kasabay ng pagbalik ng mga residente sa Talisay kasunod ng pagbaba sa alert level 3 ng bulkang Taal.

Ayon kay Engr. Arvin Barbosa, technical services manager ng Batelec II, nililinis na at binubugahan na nila ng tubig ang mga insulator ng transmission lines para malinis ang mga abo mula sa bulkan na naipon bago maibalik ang suplay ng kuryente sa lugar.

Maari umano kasing maging dahilan ito ng short circuit sa linya kung saan mas malaking pinsala ang mangyayari.

Dagdag ni Barbosa na hahabulin na maibalik ang suplay ng kuryente hanggang bukas ng umaga (January 28).

Read more...