Ilang bahagi ng Luzon apektado ng Amihan; easterlies umiiral naman sa iba pang bahagi ng bansa

Easterlies at Amihan ang umiiral na weather system sa bansa.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Lunes, Jan. 27, maghahatid ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan ang amihan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.

Bahagyang maulap na papawirin din na may isolated na pag-ulan ang mararansan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies.

Wala namang binabantayang sama ng panahon ang Pagasa na makaaapekto sa bansa sa susunod na mga araw.

Read more...