Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 115 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-12:33 ng madaling araw at may lalim na 35 kilometers.
Magnitude 3.1 na lindol naman ang naitala sa 64 kilometers Southwest ng bayan ng Agno sa lalawigan ng Pangasinan, alas-2:45 ng umaga at may lalim na 22 kilometers.
Samantala, magnitude 3.4na lindol naman ang naitala sa 5 kilometers Southwest ng bayan ng Mabini sa lalawigan ng Batangas, alas-2:48 ng umaga at may lalim na 3 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES