NBA legend na si Kobe Bryant, 8 iba pa pumanaw sa helicopter crash

(UPDATE) Nagluluksa ang NBA at basketball fans sa buong mundo matapos pumanaw sa edad na 41 ang NBA legend na si Kobe Bryant.

Nasawi si Bryant matapos mag-crash ang sinasakyan niyang helicopter sa Los Angeles.

Ayon sa Los Angeles County Sheriff, walang nakaligtas sa siyam na sakay ng chopper na bumagsak sa bahagi ng Calabasas.

Isa umanong Sikorsky S-76 ang sinakyang chopper na pribadong pag-aari umano ni Kobe.

Sa ulat ng TMZ, kasama ni Kobe ang kaniyang 13-anyos na anak na babae ni Bryant na si Gianna at patungo sila dapat sa basketball practice ng anak sa Thousand Oaks.

Tumanggi muna ang LA County Sheriff Department na pangalanan ang iba pang nasawi sa chopper crash,

Inaalam pa kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng chopper.

Kahapon nag-tweet pa si Bryant at binabati nito si LeBron James matapos maungusan siya sa ikatlong pwesto bilang 3rd highest scorer sa NBA.

Read more...