Bilang ng nasawi sa tumamang lindol sa Turkey, umabot na sa 35

Pumalo na sa 35 ang bilang ng mga nasawi makaraang tumama ang magnitude 6.8 na lindol sa Turkey, araw ng Linggo.

Sa isang press conference, sinabi ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na aabot sa 1,600 na katao ang nasugatan sa lindol.

Nasa 45 naman ang nailigtas sa mga debris ng bumagsak na gusali.

Sinabi ng mga otoridad na nagtayo na ang emergency teams ng mahigit-kumulang 9,500 na tent para sa mga inilikas na residente.

Patuloy ang isinasagawang rescue operations ng mga otoridad sa mga gumuhong gusali.

Nakatutok ang rescue teams sa Mustafa Pasa at Sivrice.

Read more...