Kaso ng coronavirus sa Amerika, umabot na sa 3

Umabot na sa tatlo ang kaso ng coronavirus sa Estados Unidos.

Ayon sa Centers for Disease Control (CDC), nagpositibo sa pneumonia-like virus ang isang pasyente sa Southern California.

Sa ngayon, sinabi ng Orange County Health Care Agency na maayos ang kondisyon ng naka-confine na pasyente na nagmula sa Wuhan City, China.

Ilan sa mga sintomas ng virus ay ang pagkakaroon ng lagnat, ubo, sipon at pneumonia.

Matatandaang naitala ang unang kaso ng virus sa Washington noong January 21 habang ang pangalawang kaso naman ay sa bahagi ng Chicago noong January 24.

Kapwa bumiyahe ang dalawa sa China.

Sa ngayon, pumalo na sa 56 ang kabuuang bilang ng nasawi bunsod ng nasabing virus sa China.

Read more...