Magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Shell at Cleanfuel, may tapyas na P0.30 sa kada litro ng gasolina habang P0.40 naman sa kada litro ng diesel.
May bawas ding P0.35 sa kada litro ng kerosene o gaas ng Shell.
Epektibo ang oil price adjustment ng Cleanfuel sa araw ng Lunes, January 27, bandang 8:01 ng umaga.
Ipatutupad naman ng Shell ang kanilang oil price rollback sa Martes, January 28, bandang 6:00 ng umaga.
Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng pagbabago sa presyo ng kani-kanilang produkto.
MOST READ
LATEST STORIES