Jose Abad Santos, Davao Occidental nilindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa 123 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 3:40 ng hapon.

47 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa nasabing bayan.

Tiniyak din ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...