1 patay, 9 sugatan sa aksidente sa Lopez, Quezon

Dead-on-the-spot ang isa katao habang sugatan ang siyam na iba pa sa naganap na aksidente sa Lopez, Quezon Sabado ng gabi.

Batay sa ulat ng Lopez police, bumangga ang Toyota Hilux pickup truck, kung saan nakasakay ang mga biktima, sa poste ng kuryente sa Barangay San Francisco B dakong 9:10 ng gabi.

Aksidente namang bumangga ang pickup truck sa bahay ng isang Fresco Palo Andal.

Dinala ang siyam na sugatan sa Magsaysay Memorial District Hospital at Holy Rosary Hospital.

Samantala, ligtas at hindi nasugatan ang dalawa pang pasahero ng pickup truck.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa aksidente.

Read more...