Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:14 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon.

Sinabi ng PAGASA na posibleng may kasama itong kidlat at malakas na hangin.

Ayon pa sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Nagbabala naman ang PAGASA sa mga residente sa lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...