LOOK: Pangulong Duterte, nag-almusal sa isang karinderya sa Davao City

Kumain si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang karinderya sa Davao City, Sabado ng umaga.

Ibinahagi ni Senator Christopher “Bong” Go ang larawan sa kaniyang Facebook account.

Ayon sa senador, maagang kumain ng almusal ang pangulo sa karinderya.

Ilan sa mga kinain ng pangulo ang pancit, sinigang, at tinola.

Read more...