Hong Kong Disneyland, pansamantalang isasara kasunod ng virus oubreak sa China

Pansamantalang isasara ang Hong Kong Disneyland kasunod ng coronavirus outbreak sa China.

Sa inilabas na pahayag sa kanilang website, ang nasabing aksyon ay bahagi ng precautionary mearsure para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Magsisimulang isara ang kilalang theme park sa January 26, 2020.

Layon anila nitong maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga guest at cast member.

“As a precautionary measure in line with prevention efforts taking place across Hong Kong, we are temporarily closing Hong Kong Disneyland park starting from January 26, 2020 out of consideration for the health and safety of our guests and cast members,” ayon sa theme park.

Samantala, mananatili namang bukas ang Hong Kong Disneyland Resort hotels.

Patuloy anila silang makikipag-ugnayan sa mga health authorities at gobyerno patungkol sa sitwasyon ng virus.

Antabayanan anila ang susunod na anunsiyo ukol sa reopening date.

Sinabi naman ng theme park na balido ang Standard Park Ticket sa loob ng anim na buwan mula nang binili ito.

Maaari naman anilang umasiste ang Hong Kong Disneyland Resort sa mga guest na nais i-refund ang nabiling ticket para sa admission ng Hong Kong Disneyland park o resort hotel.

Para sa karagdagang detalye, maaaring tumawag sa hotline (852) 1-830-830.

Read more...