Antas ng tubig sa Angat Dam, nadagdagan

Bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, nasa 203.33 meters na ang lebel ng tubig sa nasabing dam bandang 6:00 ng umaga.

Mas mataas ito kumpara sa 203.23 meters noong Sabado, January 25.

Nadagdagan din ang tubig sa Ipo Dam na ngayon ay nasa 101.10 meters na.

Samantala, nabawasan naman ang antas ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dams.

Read more...