Ito ay kahit na ibinaba na ng Phivolcs sa Alert Level 3 mula sa Alert Level 4 ang status sa Bulkang Taal.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na hindi magla-lie low ang gobyerno.
Palagi aniyang handa ang pamahalaan pagdating sa panganib dulot ng pag-alburuto ng Bulkang Taal.
Kahit nasa Alert Level 3 na lamang, patuloy ang apela ng Palasyo sa mga residente sa paligid ng bulkan na iwasan na munang bumalik.
“Hindi naman nagla-lie low. Palagi tayong on our toes pagdating sa panganib na naririyan sa ating mga kababayan. Palagi tayong nakahanda. Kaya nga ang naging posisyon natin diyan eh wag bumalik sa lugar na tinitirhan at pinagtatrabahuan sapagkat nanganganib pa,” ayon kay Panelo.
Payo pa ng Palasyo sa publiko, sundin ang utos ng mga opisyal ng pamahalaan na nasa national level kaysa sa mga nasa local government unit (LGU).
“Siyempre ang national government ang masusunod. Kung sino yung nasa taas yun ang nasusunod. But, we understand the concerns of local authorites, puwede naman nila sabihan na as far as they are concerned wala nang panganib. So, they can reocommend and the national gov’t will evaluate,” dagdag ni Panelo.