Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 265 kilometers Southwest ng Sarangani bandang 10:47 ng umaga.

300 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...