Sa Facebook, sinabi ni Robredo na bumuti na ang vital signs ng kaniyang ina.
Patuloy naman aniya ang kanilang pagdarasal para sa tuluyang paggaling nito.
Sa ngayon, patuloy pang ginagamot ang ina ng bise presidente sa isang ospital sa Naga City, Camarines Sur.
Noong Biyernes ng hapon, January 24, sinabi ng pangulo na tumulak siya patungong Naga City matapos mapag-alaman ang kondisyon ng kaniyang ina.
MOST READ
LATEST STORIES