Sa Taal volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, inanunsiyo ng Phivolcs ang pagbababa ng alerto sa nasabing bulkan.
Ayon sa Phivolcs, nangangahulugan ito na nabawasan na ang posibilibidad na makaranas ng hazardous eruption.
Paalala ng ahensya sa publiko, posible pa ring makaranas ng steam-driven at weak phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at volcanic gas expulsions.
Gayunman, inirekomenda pa rin ng ahensya ang pagbabawal na pumasok sa Taal Volcano Island, Permanent Danger Zone ng Taal at maging sa mga lugar sa Taal Lake at komunidad sa Kanlurang bahagi ng Taal Volcano Island na pasok sa 7-kilometer radius mula sa Main Crater.
Inabisuhan din ng ahensya ang mga local government unit (LGU) na magsagawa ng assessment sa labas ng 7-kilometer radius para sa posibleng pinsala at road accessibilities.
Dapat pa rin aniyang maging maingat ang publiko sa mga fissure o bitak sa lupa, ashfall at mahihinang lindol.
Tiniyak naman ng Phivolcs na patuloy pa rin ang kanilang pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Taal.