DOJ, magsusumite kay Pangulong Duterte ng pag-aaral ukol sa pagkansela ng VFA

Magsusumite ang Department of Justice (DOJ) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng kanilang pag-aaral ukol sa proseso ng pagkansela ng Visiting Forces Agreement (VFA) kasama ang Estados Unidos.

Sa ipinadalang mensahe, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipapadala ito sa araw ng Lunes, January 27.

Nilalaman lamang aniya ng pag-aaral ay ang proseso ng pagkansela ng kasunduan.

Kailangan muna aniyang mabasa ng pangulo ang kanilang pag-aaral bago maglabas ng rekomendasyon.

Matatandaang nagbanta ang pangulo na kakanselahin ang VFA kung hindi itatama ng Amerika ang kanselasyon ng US visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Read more...