2 umano’y tulak ng droga, timbog sa Quezon

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Candelaria, Quezon Biyernes ng gabi.

Sa inilabas na ulat, sinabi ni Col. Audie Madrideo, hepe ng Quezon police, na isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Bukal Sur dakong 10:00 ng gabi.

Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Jose Dante Malaborbor, 45-anyos, at Robert Arthur Punzalan, 26-anyos.

Narekober sa mga suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu na may estimated value na P11,150.

Mahaharap naman ang dalawa sa kaukulang kaso.

Read more...