Umabot na sa mahigit P58 milyon ang halaga ng naipadalang tulong ng gobyeryno sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang 12:00 ng tanghali, nasa kabuuang P58,057,540 ang halaga ng naipadalang tulong ng gobyerno sa mga apektadong pamilya.
Kabilang na rito ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at local government unit (LGU).
Samantala, nasa 90,533 na pamilya o 348,563 na indibidwal ang apektado sa mga probinsya ng Batangas, Quezon, Laguna at Cavite.
Nasa 37,445 na pamilya o 137,994 na katao ang nananatili pa rin sa itinalagang 488 evacuation centers.
Nananatili pa rin sa Alert Level 4 sa Bulkang Taal.