Sa inilabas na mensahe, sinabi ng pangulo na sumasalamin sa pagdiriwang ng Chinese-Filipino community sa Chinese New Year and ‘Strong and inseparable” na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ipinagdiriwang din aniya sa nasabing okasyon ang bagong pagsisimula, pag-asa at kahilingan ng kasaganahan para sa bansa.
Sa pagpasok ng bagong taon, hinikayat ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng mas matibay na relasyon kasama ang mga Chinese sa buong mundo sa pamamagitan ng kooperasyon, investments, cultural exchanges at people-to-people ties.
Umaasa rin ang pangulo na ipagpapatuloy ng Chinese-Filipino community ang socio-civic at charitable acts para maiangat ang pamumuhay ng publiko.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, sinabi ng pangulo na magkakaroon ito ng epetko sa bansa.
“Together, these small acts of kindness shall create a ripple effect that will benefit not only those belonging to your comunity, but also countless other, creating a much bigger wave of compassion that will evetually redound to the greater good of our country,” dagdag ng pangulo.