Batay sa Taal volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na umabot sa 409 tonnes kada araw ang sulfur dioxide sa nasabing bulkann.
Mas mataas ito kumpara sa 224 tonnes per day noong Biyernes, January 24.
Ayon pa sa Phivolcs, patuloy pa ring naglalabas ng weak to moderate emission ng puting abo sa nasabing bulkan.
Umaabot anila ito ng 100 hanggang 800 metro ang taas mula sa main crater sa direksyong pa-Timog Kanluran.
Mula 5:00, Biyernes ng madaling-araw (January 24) hanggang 5:00, Sabado ng madaling-araw (January 25), sinabi ng ahensya na anim na volcanic earthquakes ang naitala na may lakas na magnitude 1.5 hanggang 2.3.
Samantala, batay sa datos ng Philippine Seismic Network (PSN), nasa kabuuang 744 volcanic earthquakes na ang naitala simula nang sumabog ang Bulkang Taal noong January 12.
Nakasaad din sa volcano bulletin na nakataas pa rin sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal.