Lebron James kailangan na lang ng 18 puntos para maungusan si Kobe Bryant sa dami ng puntos

Labingwalong puntos na lang ang kulang ni Lebron James para maungusan sa pwesto si Kobre Bryant sa all-time scoring list ng NBA.

Si James ay mayroon nang 33,626 career points at 18 puntos na lang ay mahihigitan na niya 33,643 points ni Bryant.

Sa sandaling maungusan ang puntos ni Bryant ay maaagaw ni James ang 3rd place kay Bryant sa NBA all-time scoring list.

Si Kareem Abdul-Jabbar ang may hawak ng all-time NBA record na mayroong 38,387 points.

Habang si Karl Malone ang nasa 2nd place na mayroong 36,928 points.

Read more...