Napatay na suspek sa pamamaril sa dalawang pulis sa Marikina, isa umanong sundalo

Isang sundalo ang motorcycle rider na namaril sa dalawang pulis sa Marikina City.

Ayon sa Eastern Police District, ang suspek ay nakilalang si Staff Sergeant Marvin Balucas na residente ng Rodriguez, Rizal.

Ang dalawang pulis na sugatan sa pamamaril ni Bulcas na sina Police Executive Master Sergeant Demetrio Sarita Magpali Jr. at Police Master Sergeant Edward Yap ay kapwa nakatalaga sa PNP Criminal Investigation and Detection Group.

Sa inisyal na imbestigasyon ay sakay ng magkahiwalay na motorsiklo sina Magpali at Yap at papasok sa bahagi ng Riverbanks sa Barangay Barangka nang barilin sila ni Balucas.

Nagawang makaganti ng putok ng dalawang pulis kaya nasawi si Balucas.

Nagtamo si Magpali ng tama ng bala ng baril sa kaliwang binti habang si Yap ay sa ulo tinamaan.

Patuloy pang iniimbestigahan ang motibo sa pananambang.

Read more...