Apat na Pinoy mula Erbil, Iraq umuwi sa bansa

Dumating na sa bansa ang apat pang Pinoy na mula sa Erbil, Iraq.

Dalawa sa kanila ay kapwa biktima ng human trafficking.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), agad inindorso sa Inter-Agency Council Against Trafficking ang dalawa para matulungan.

Simula nan gitaas ang Alert Level 4 sa Iraq at ipatupad ang mandatory repatriation ay umabot na sa 21 Filipino ang napauwi sa Pilipinas mula sa Iraq.

Mayroong dalawang Rapid Response Teams (RRT) ang DFA sa Iraq para sa pagproseso sa repatriation ng mga Pinoy.

Read more...