LOOK: Ilang lansangan sa Metro Manila sasailalim sa reblocking at repair ngayong weekend

Sasailalim sa road reblocking at road repair ang ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ngayong weekens.

Magsisimula ang reblocking alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, January 24.

Narito ang mga lugar na maaapektuhan ng road reblocking at repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH):

EDSA (Southbound)
– Bulacan Street to West Avenue, 1st lane mula sa sidewalk

Quirino Highway (Westbound)
– Nightingale to Zabarte Road, inner lane

Katipunan Ave./C-5 (Northbound)
– Harap ng UP Town Center, 1st lane mula sa center island

A. Bonifacio Avenue (Southbound)
– malapit sa J. Manuel Street

General Luis Street (Eastbound)
– Rebisco Road to Samote Street

Elliptical Road (Eastbound)
– kanto ng Maharlika Street, 8th lane mula sa outer sidewalk

Ang mga lansangan na apektado ng repair at reblocking ay bubuksan alas 5:00 ng umaga ng Lunes, January 27.

Pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga lansangan.

Read more...