LOOK: Air Quality Index sa Metro Manila as of 4PM ng Jan. 24

Ilang netizens ang nagbahagi ng larawan ng netizens hinggil sa naobserbahang haze sa ilang bahagi ng Metro Manila ngayong Biyernes, January 24, 2020.

Ayon sa mga netizen napansin nilang tila makulimlim sa ilang bahagi ng Metro Manila, subalit nabalutan pala ng haze ang ilang lugar.

Base sa inilabas na Air Quality Index ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), alas 4:00 ng hapon ng Biyernes ay “unhealthy for sensitive groups” ang air quality na naitala sa Las Pinas City.

‘Fair’ naman ang naitalang air quality sa North Caloocan, Navotas, Mandaluyong City, Marikina City, Paranaque City at Taguig City.

‘Good’ naman ang air quality sa South Caloocan, Malabon, San Juan at Quezon City.

Sa Region 3 naman ‘good’ ang naitalang air quality sa Balanga, Bataan; Subic, Zambales; San Fernando, Pampanga; at Meycauayan City.

Sa Region 4-A, ‘fair’ ang naitalang air quality sa Antipolo City; habang good naman sa Silang, Cavite at Binan City.:

Read more...