Pilipinas nananatiling novel coronavirus free

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na nananatiling novel coronavirus (2019-nCov) free ang Pilipinas.

Ayon sa abiso ng DOH, as of ngayong araw, January 24 wala pang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa bansa.

Tiniyak ng DOH na ‘on top of the issue’ ang ahensya.

Pinayuhan din nito ang publiko na iwasan ang magbahagi o magpakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon tungkol sa novel coronavirus.

Mas mabuting bantayan ang Facebook page ng DOH at website ng DOH kung saan naglalabas ng mga kumpirmadong update.

 

Read more...