Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones bahagya na ring kumakalma ang Bulkang Taal at marami sa mga paaralan ay handa na man nang magbalik-klase.
Ani Briones, may mga lugar naman sa Batangas na hindi naapektuhan ng sobra kaya pwede nang mag-resume ang klase.
Ang mga estudyante naman na nasa evacuation centers at nag-aaral sa mga lugar na matinding naapektuhan ay maaring i-accommodate sa paaralang makapagbubukas na.
Sa datos ng DepEd, 1,054 na paaralan mula sa Region 4-A ang apektado ng class suspension.
Sa nasabing bilang ay mayroong 574,000 na mga mag-aaral.
MOST READ
LATEST STORIES