Walang novel coronavirus sa Tacloban – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang kaso ng novel coronavirus sa Tacloban City.

Ito ay matapos ang balita na mayroong pasyente sa lungsod na hinihinalang tinamaan ng coronavirus.

Hindi naman kinumpirma o itinanggi ni DOH Region 8 Director Minerva Molon na mayroon ngang sinusuring pasyente dahil sa sintomas ng coronavirus.

Ani Molon, may sinusunod silang protocol base sa guidelines ng World Health Organization (WHO).

Pero ang tanging matitiyak umano niya ay walang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus ngayon sa lungsod.

Read more...