Proseso ng pag-terminate sa VFA pinasimulan na ni Pangulong Duterte

Photo grab from PCOO’s Facebook live video
Kinumpirma ng Malakanyang na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-terminate sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, base sa utos ng pangulo kagabi ang simula ng termination process.

Una rito ay sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na inatasan na niya si Defense Sec. Delfin Lorenzana na umpisahan na ang proseso para sa termination ng VFA.

Ang Department of Justice (DOJ) naman inumpisahan na rin ang pag-aaral para sa tamang proseso sa pagkansela ng kasunduan.

Read more...