Halos 70,000 bata nabakunahan kontra polio ng Red Cross

Umabot na sa halos 70,000 mga bata ang nabakunahan ng Philippine Red Cross (PRC) laban sa polio.

Ayon kay PRC chairman at Senator Richard Gordon, sa ikatlong bahagi ng Sabayang Patak Kontra Polio o mula January 20 hanggang 23, ay umabot na sa 69,248 na mga bata ang nabakunahan.

Simula noong Batch 1 hanggang ngayong Batch 3 ng Sabayang Patak Kontra Polio ay umabot na sa 287,632 na mga bata ang nabakunahan ng Red Cross.

Pinasalamatan din ni Gordon ang mga staff at volunteers ng Red Cross na nagtungo maging sa pinakamalalayong lugar para matiyak na lahat ng bata ay mababakunahan.

Tiniyak ni Gordon na patuloy na makakatuwang ng Department of Health (DOH) ang Red Cross sa kampanya kontra polio.

Read more...