Ayon kay Lorenzana, matapos ang pahayag ng pangulo ay nasa Estados Unidos na ang bola at kung ano ang magiging tugon nito sa usapin.
Sinabi ni Lorenzana na ang pagkansela ng US sa visa ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ay may kaugnayan sa war on drugs ng pamahalaan na pinaniniwalaan ng international huamn rights groups na nagkakaroon ng mga kaso ng extra judicial killings.
Ani Lorenzana, dahil dito, ang pagkansela sa US visa ni Dela Rosa ay maituturing na direktang hamon kay Duterte dahil ang pamahalaan niya ang nagsusulong ng drug war.
Ang pangulo aniya ang nag-utos kay Dela Rosa bilang PNP chief noon na paigtingin ang war on drugs.