Bahagi ng Evangelista St. sa Bangkal, Makati isasara sa mga motorista hanggang weekend para sa B.A.L.I.W. 2020

Isasara sa mga motorista ang bahagi ng Evangelista Street sa Bangkal, Makati para sa “BALIW 2020” o Bangkal Administrative and Locals Initiave Week.

Simula ngayong araw, January 24 ay isasara ang bahagi ng Evangelista mula Bonifacio hanngang Cailles.

Ang pagsasara ay mula alas 6:00 gabi hanggang alas 12:00 ng hatinggabi dahil sa aktibidad sa Bangkal Public Stage.

Alas 4:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon naman ay magdaraos ng “Pares Fest” kaya magpapatupad ng one-way traffic sa Bonifacio hanggang Dallas.

Bukas araw ng Sabado (Jan. 25) simula alas 10:00 ng umaga ay magpapatupad ng road closure sa bahagi ng Bonifacio hanggang Capinpin para sa Car and Motor Show.

Hanggang sa Linggo, Jan. 26 ay magpapatuloy ang mga road closure sa Evangelista dahil sa iba pang aktibidad gaya ng Grand Civic Parade, Band Exhibition at Bingo Social.

Read more...