VFA pwedeng ibasura ni Pangulong Duterte kahit walang pag-apruba ng senado

Pwedeng ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreemnt (VFA) kahit walang pag-apruba ng senado.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang VFA ay isang executive agreement kaya pwedeng ang pangulo ang mag-kansela nito.

Ayon kay Panelo, panghihimasok sa mga usapin sa Pilipinas ang ginawa ng US nang pagbawalang makapasok sa kanilang bansa ang mga opisyal nang dahil war on drugs ng pamahalaan.

Malinaw aniya na bahagi ng panghihimasok na ito ang ginawang pagkansela sa US visa ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Una rito ay nagbabala ang pangulo na ibabasura ang VFA dahil sa pagkansela ng US sa visa ni Dela Rosa.

Read more...