Tatlong lungsod sa China sakop na ng lockdown

Tatlong lungsod na sa China ang sakop ng ipinatutupad na lockdown dahil sa novel coronavirus.

Sakop na ng lockdown ang Wuhan City, Huanggang at Ezhou.

Sa kabuuan ay mayroong 18 milyong residente sa naturang mga lungsod.

Sarado ang mga mall, restaurants, internet cafe, cinemas at iba pa.

Sa Beijing, kanselado na ang mga pangunahing events na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Kasama sa kinansela ang tradisyunal na temple fairs.

Read more...