Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, makikipag-ugnayan sila sa mga airport authority para ma-trace din kung sa Boracay lang ba talaga nagtungo ang mga dayuhan o may iba pang pinuntahan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer ay tiniyak naman ni Duque na nakabantay ang Bureau of Quarantine nang dumating sila sa Kalibo Airport.
Mahalaga ani Duque na malaman ang pinuntahan ng mga dayuhan sakaling kailanganin ng DOH na magsagawa ng contact tracing.
Una nang sinabi sa Radyo Inquirer ng Civil Aviation Authority of the Philippines na mayroong mahigit 500 pang dayuhan na nasa Aklan.
Sila ay dumating sa Kalibo International Airport bago pa man maipatupad ang suspensyon sa mga biyahe mula Wuhan City.
Pero ayon sa CAAP, simula ngayong araw hanggang bukas ay ibabalik na sila sa Wuhan City.