Mahigit 100 Chinese nationals galing Wuhan City dumating sa Kalibo Airport kahapon ng umaga bago pa maipatupad ang flight suspension

Mayroong mahigit 100 Chinese nationals mula sa Wuhan City, China ang dumating sa Kalibo Airport kahapon ng umaga.

Ito ay bago pa man maipatupad ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang suspensyon sa lahat ng flights mula at patungong Wuhan City.

Tanging sa Kalibo Airport sa Aklan mayroong direktang biyahe ng mga eroplano patungo ng Wuhan City.

Ayon sa CAB, mayroong dalawang eroplano na nagsasakay ng mga Chinese galing Wuhan patungong Kalibo Airport para magtungo sa Boracay.

Kabilang dito ang Royal Air Philippines at Pan Pacific Airlines.

Kahapon ng umaga, 141 Chinese nationals na sakay ng Royal Air flight RW 999 ang dumating sa Kalibo ayon sa Bureau of Immigration.

Read more...