Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng Pagasa Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw (Biyernes, Jan. 24) ay nasa 203.35 meters ang water level sa Angat dam.

Nabawasan din ang water level ng Ipo dam na nasa 101.09 meters.

Bahagya namang nadagdagan ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 77.80 meters.

Habang ang Ambuklao at Binga dams ay kapwa din nadagdagan.

Nabawasan naman ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Read more...