Mas malakas na pagbuga ng usok naitala sa Bulkang Taal ngayong umaga

Nagkaroon ng bahagyang mas malakas na pagbuga ng usok sa Bulkang Taal ngayong umaga ng Biyernes (Jan. 24).

Mas mataas ang naitalang ash emission pasado alas 5:00 ng umaga at ang usok na ibinuga ay kulay puti.

“Moderate at makapal” na steam ang ibinuga ng bulkan ayon sa volcanologist ng Phivolcs sa Tagaytay na si Paolo Reniva.

Ayon naman kay Phivolcs Director Renato Solidum, indikasyon lang ito na patuloy ang aktibidad ng Bulkang Taal.

Aniya, ang pagbubuga ng abo ay dahil sa nagpapatuloy na paggalawa ng magma sa loob ng Bulkang Taal.

Read more...