Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw dahil sa easterlies ang Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Bicol Region naman, Aurora at Quezon ay makararanas din ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan dahil sa Amihan.
Amihan din ang magdudulot ng isolated na mahihinang pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Habang magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Nakataas naman ang gale warning sa mga baybaying dagad sa Visayas at sa Luzon dahil sa malakas na alon na dulot ng easterlies at amihan.
Ipinagbabawal ang pagpalot ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa sumusunod na mga lugar:
– Northern Samar
– Eastern Coast ng Eastern Samar
– Eastern Coast ng Dinagat Islands
– Eastern Coast ng Surigao Del Norte kabilang ang Siargao
– Bucas Grande Islands
– Surigao del Sur
– Davao Oriental
– Aurora
– Extreme Northern Quezon kabilang ang Northern Coast ng Poliolio Island
– Panukulan
– Burdeos
– Camarines Norte
– Northern Coast ng Camarines Sur
– Northern Coast at Eastern Coast ng Catanduanes
– Eastern Coast ng Rapu-Rapu Islands
– Eastern Coast ng Sorsogon.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.