Ilang pagyanig naitala sa Davao Oriental at Davao Occidental

Magkakasunod na pagyanig ang naitala ng Phvilcs sa Davao Oriental at Davao Occidental.

Unang naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa Caraga, Davao Oriental ala 1:16 ng madaling araw ngayong Biyernes (Jan. 24)

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol sa layong 78 kilometers northeast ng Caraga.

Alas 3:40 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 98 kilometers ng Jose Abad Santos na may lalim na 11 kilometers.

Alas 4:18 naman ng umaga nang muling yanigin ng lindol ang bayan ng Caraga.

Magnitude 3.1 naman ang pagyanig na naitala sa layong 96 kilometers northeast ng Caraga.

14 kilometers ang lalim ng lindol.

Pawang tectonic ang origin ng mga pagyanig at hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala.

Read more...