Caraga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Caraga, Davao Oriental Huwebes ng hapon.

Batay sa impormasyon mula sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 85 kilometers Northeast ng Caraga bandang 5:41 ng hapon.

15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala rin inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...