Pinaliwanag ng kalihim na matagal na niyang sinasabi na karapatan o prerogative ng isang sovereign state na tukuyin o kilalanin kung sino lamang ang papayagan na makapasok sa kanyang teritoryo.
Hindi rin aniya kailangang magpaliwanag ang Estados Unidos sa naging hakbang.
Katulad rin naman aniya ng karaniwang Filipino na nagnanais magtungo sa Amerika ay kailangan ng senador na agad mag-reapply para sa US visa matapos na kanyang malaman noong Miyerkules na pinawalang-bisa na ng Amerika ang kanyang visa na magpapaso sa 2022 pa.
Hindi binanggit ng US ang dahilan kung bakit kinansela ang visa ni Dela Rosa, ngunit ayon sa senador siya ay mag-a-apply ng panibagong visa kapag tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni U.S. President Donald Trump na dumalo sa US-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Las Vegas sa Marso.