Bahagi ng Aurora Boulevard, isasara mula Jan. 25 hanggang Feb. 1 – MMDA

Pansamantalang isasara sa mga motorista ang bahagi ng Aurora Boulevard mula sa January 25 hanggang February 1.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay bunsod ng isasagawang pagpapalit ng 11 escalators sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) Cubao station.

Sinabi ng ahensya na ililipat kasi ng pribadong kontraktor ng Department of Transportation (DOTr) ang mga unit ng escalator mula sa isang malaking track sa pamamagitan ng mobile crane.

Ipatutupad ang road closure sa pagitan ng Oxford at Imperial Streets partikular sa westbound lane simula 12:01 hanggang 5:00 ng madaling-araw sa January 25 hanggang February 1.

Itinapat sa nasabing oras ang aktibidad para makaiwas ng aberya.

Kasunod nito, mula sa Aurora Boulevard-Cubao, inabisuhan ang mga motoristang papunta sa Maynila na kumanan sa Yale Street o Oxford Street, kumanan sa Columbia Street, kumaliwa sa Imperial o West Point Street pabalik ng Aurora Bouelevard.

Read more...