WHO nagpatawag ng emergency meeting dahil sa pagkalat ng Zika virus

Ueslei Marcelino / Reuters
Ueslei Marcelino / Reuters

“Spreading explosively”.

Ganito inilarawan ng World Health Organizaiton (WHO) ang mabilis na pagkalat ng sakit na Zika virus sa mga bansa sa Latin America.

Ayon kay WHO chief Margaret Chan, posibleng umabot sa apat na milyong katao ang maapektuhan ng nasabing sakit.

Dahil dito, nagpatawag na ng emergency meeting ang WHO sa February 1, para talakayin ang outbreak ng Zika na dahilan din ng birth defect na microcephaly sa mga ipinapanganak na sanggol.

Sinabi ni Chan na ‘extremely high’ ang antas ng alarma dahil napakabilis kumalat ng virus.

Sa datos ng WHO, apektado ngayon ng Zika virus ang 23 bansa at territories sa Amerika.

Layon ng idaraos na emergency meeting na makahanap ng solusyon at makagawa ng mga hakbang sa nararanasang outbreak ng ZIka.

Tutukuyin din sa pulong ang mga lugar na kailangang iprayoridad.

Si US President Barack Obama ay nanawagan nang magsagawa ng mas maayos na diagnostic tests at pag-develop ng bakuna at lunas sa nasabing sakit.

Ang Zika ay unang naitala sa Africa. Pero ang pagkakaroon nito ng epekto sa utak ng mga sanggol habang sila ay nasa sinapupunan ng kanilang ina na dinadapuan ng nasabing virus ay unang natuklasan sa Brazil.

Mula sa 163 na average kada taon, umabot na sa 3,718 ang kaso ng microcephaly sa Brazil. Ang Microcephaly ay nagdudulot ng hindi magandang epekto sa utak ng mga sanggol na maaring magresulta sa kanilang pagkasawi.

Read more...