Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, karapatan ng bawat estado na magpasya kung sino ang mga nararapat at hindi nararapat na papasukin sa kanilang bansa.
Ayon kay Panelo, hindi batid ng Palasyo ang dahilan ng pagkansela ng Amerika sa visa ni dela Rosa.
“It’s the prerogative and right of every state to disallow or to allow any citizen of any country. I don’t know what reason it was canceled,” ani Panelo.
Sa pagkakaalam ni Panelo, sinabihan naman ng Embahada ng Amerika si dela Rosa na mag-apply muli kung nais nitong ma-renew ang kanyang visa.
Una nang iminungkahi ng dalawang senador sa Amerika na pagbawalang makapasok sa kanilang bansa ang mga taong nasa likod ng pagpapakulong kay Senator Leila de Lima.
Panahon ng panunungkulan ni dela Rosa bilang Philippine National Police (PNP) chief nang arestuhin si de Lima dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.