Isang pasahero sa Muelle Osmeña Port sa Lapu-Lapu City, nahulihan ng droga

Arestado ang isang pasahero makaraang mahulihan ng hinihinalang shabu sa Muelle Osmeña Port sa Lapu-Lapu City, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), nahulihan ng ilegal na droga ang suspek na si Juvenelle Labadan, 49-anyos, sa isinagawang seaport inspection at K9 paneling bandang 5:45 ng hapon.

Nakuha sa suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P816.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...