Pinay flight attendant na galing Wuhan City, bumubuti na ang kondisyon

Bumubuti na ang kondisyon ng flight attendant na mayroong sintomas ng flu nang dumating sa Kalibo International Airport noong Martes.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, kusang nagpa-quarantine ang Filipina na flight attendant nang dumating sa bansa mula Wuhan City, China.

Ani Domingo, wala nang lagnat ang babae at unti-unti nang nakak-recover.

Pero patuloy pa rin itong imomonitor para matiyak na wala siyang coronavirus.

Kinuhanan na rin ng sample ang babae at isinailalim na ito sa tests.

Kasabay nito, tiniyak ni Domingo na ginagawa ng Bureau of Quarantine ang lahat para masiguro na naisasailalim sa screening process ang mga dumarating na pasahero sa mga paliparan sa bansa.

Read more...