Mga Pinoy sa Taiwan pinag-iingat ng MECO laban sa SARS-like virus

Pinag-iingat na rin ng Manila Economic and Cultural Office o MECO POLO sa Taichung, Taiwan ang mga Pilipino doon.

Ito ay matapos na makumpirma ang kaso ng coronavirus sa Taiwan.

Pinaalalahanan ng MECO POLO Taichung ang OFWs doon na panatilihin ang kalinisan at iwasan munang magtungo sa mga matataong lugar.

Hinimok din ng nasabing tanggapan ang mga Pinoy sa Taiwan na agad na makipag-ugnayan sa kanila sakaling may alam silang kaso ng Pinoy na nahawaan ng novel coronavirus.

Read more...